SEVEN SUNDAYS

BUOD


Ito ay tumatalakay sa pamilya Bonifacio. Si Manuel Bonifacio ang ama ng tahanan, isang balo at dating kapitan ng kanilang Baranggay. Ang tanging kasama sama lang sa bahay ay si Jun. Siya ay mayroong apat na anak na sina Allan,Bryan,Cha, at Dex. Sa kanyang kaarawan ang mga ito ay di nakapunta. Malaking kalungkutan sa ama na hindi makasama ang kanyang mga anak sa mahalagang okasyon ng kanyang buhay, ngunit ano ang kanyang magagawa may kanya kanya ng buhay ang mga ito. Isang gabi pumunta ang kanyang kaibigan doktor. Dito ay napag-alaman niya na siya ay mayroong malubhang karamdaman ( Lung kanser). Ito ay dagli nyang ipinagbigay alam sa kanyang mga anak. Dumating ang kanyang mga anak at pinag-usapan ang problemang kinahaharap. Hindi na pumayag si Manuel na siya ay ipagamot pa ng kanyang mga anak kaya’t siya ay humiling sa mga ito na sila ay magkasama-sama ng Pitong Linggo habang siya ay nabubuhay. Pumayag ang mga ito, Ang mga anak at ang pamilya ng mga ito ay pumupunta tuwing araw ng Linggo upang makapiling ang amang may sakit. Masalimuot man ang naging umpisa ng kanilang pagsasama-sama ito ay naging maayos din kung kaya’t ang ama ay nanghihinayang na mawala ang masayang pangyayari sa kanyang pamilya. Hindi nya maamin na nagkaroon ng pagkakamali sa naging resulta ng kanyang medikal. Isang gabing di pagkakasundo ng kanyang mga anak, lumabas ang mga hinanakit ng bawat miyembro sa bawat isa’t isa. Dito napag alaman din na ang kanilang ama pala ay walang malubhang karamdaman. Nagulat ang lahat at isa isang nagsi alisan ang mga ito. Sa paglalabasan ng mga hinanakit napagtanto nila na sila ay mayroong kamaliang nagawa. Kung kaya’t pinasimulan ng panganay na anak na si Allan na buuin uli ang pamilyang binalot ng hinakit. Pinuntahan nya ang kapatid na si Bryan upang humingi ng paumanhin at makipagkasundo dito. Nagkapatawaran ang magkapatid at nagkasundo sila na puntahan ang iba pa nilang kapatid upang ayusin ang gusot sa pamilya. At sa huli ang kanilang ama naman ang kanilang pinuntahan. Nagkaroon ng pagkakasundo sundo ang bawat isa. Kaya’t ang sulirinanin kanilang kinahaharap ay nalutas na. Nagtulungan ang bawat isa sa paglutas nito. Nagkaroon man ng di pag kakaunawaan sa pamilya ito kanilang inayos upang sila ay magkasundo sundo. pagmamahal,pagkakaunawaan at pagkaka-isa ng bawat miyembro, ang siyang sulusyon upang ang mabigat na suliranin ay malagpasan.

NILALAMAN

Kaarawan ni Manuel Bonifacio (Veldez) at inaasahan niya ang pagdating ng kanyang apat na anak upang makipagdiwang.  Kaya nga lamang kailangang isugod sa ospital ang asawa ng panganay na si Alex (Muhlach), habang nasa Singapore naman si Bryan (Dantes); ang pangatlong si Cha (Reyes) ay may importanteng kliyente, at hindi naman mahagilap ang bunsong si Dexter (Gil). Tanging ang kaibigang doktor lamang anv makakahabol. Kaya nga lamang ay may dalang malungkot na balita may cancer si Manuel at dalawang buwan na lamang ang taning. Dahil dito ay mapipilitan ang apat na saluhan at pasayahin ang ama sa huling pitong Linggo ng kanyang buhay. Ang kaso nga lamang ay bukod sa may kani-kanyang personal na pinagdaraanan ang apat, ay mga kimkim na sama ng loob pa sila sa isa’t isa.  Ang tanong, magkakasundo ba ang magkakapatid bago matapos ang pitong Linggo?
Sa ngayon ay alam na nang nakararami ang sagot dahil unang araw pa lamang ng Seven Sundays ay pinag-usapan at pinilahan na ito. Bakit nga hindi e bukod sa powerhouse casting, tema ng pamilya na malapit sa loob ng Pinoy ito at may halong drama at komedya pa na kinagigiliwan ng mga manunuod. Pero sa totoo lang hindi ang pormula ang naging dahilan ng tagumpay ng pelikula. Unang una, ang matalinong pagkakapili sa mga nagsiganap dahil ang pagka-angkop ay hindi lamang pisikal kundi sa kanilang ugnayan sa mga eksena. Walang naging pabigat, kalabisan o nang-aagaw pansin. Lahat ay may tamang kinalagyan. At hindi lamang ito usapan ng husay sa pagganap kundi kakayahan na bigyan ng balangkas ang emosyonal at pagganyak ng mga kaeksena.Sa madaling salita—naging natural ang dating at nakakaugnay ang mga nanunuod dito. Ikalawa: ang mismong kwento. Hindi naman ito bago o katangi-tangi. Marami nang nagdaang pelikula na ganito rin ang tema (mula Tanging Yaman hanggang Four Sisters and a Wedding) pero ang balanseng timpla ng drama at katatawanan ay madaling sabayan. Madudurog ang puso sa hinagpis na pinagdaraanan ng mga tauhan, sasakit ang tiyan sa kalokohan ng mga eksena, mangingiti sa kulitan ng magkakapatid at sa likod nito, matatalupan ang buod ng hinanakit, kasaysayan at pagmamahalan sa loob ng pamilya. Ang kwento ay simple pero isang paglalakbay sa buhay. Dapat rin bigyan nang puna ang mabusising disenyo ng produksyon dahil mahigpit ang pagkakahabi nito sa mga mensahe ng eksena.Sa kabuuan, ang tagumpay ng Seven Sundays ay ang tamang paggamit sa mga elemento ng produksyon na tumulong upang maisulong ang kwento at mangibabaw ang mensahe. 
Sabi nila, ang pagiging magkapatid ay nangangahulugan ng pagpapatawaran, pagbibigayan at pagmamahalan lagi. Madaling sabihin, mahirap gawin. Dahil kadalasan, kung sino pa ang kapatid ay siyang mas pinagseselosan, pinagkikimkiman ng sama nang loob, pinagdaramutan ng pasensya, kinakalimutan,isinasantabi. Siguro, iniisip na porke’t kapatid e hindi na kailangang maging maingat sa pakikitungo, “tutal kadugo”.  At dahil sa katwirang ito, madalas nasisira ang samahan. Nagkakanta-kanya hanggang tuluyan nang mawalan nang pakialam sa isat isa. Pero sa huli, ang makakahilom ayang pagkakabuklod, hindi lamang dahil kadugo kundi dahil iyon ang mismong kalikasan ng pagiging tao… pagiging kapwa…pagiging kapatid. Ang kwento ng mga Bonifacio ay kwento ng bawat pamilya--nagkakatampuhan, nagkakainggitan, may napapabayaan… may nasasaktan. Pero sa huli, nagkakapatawaran. Nagmamahalan. Ang kwento ay angkop sa lahat ng gulang—lalo para sa mga bata dahil makikita nila ang halaga ng pagiging buo at kahulugan ng pagiging kapatid.


ARAL O TEMA

Kaligayahan at kalungkutan. Pagtutulungan at pagmamahalan. Makikita ang lahat ng iyan sa pelikulang pinilahan ng taong bayan. Pamilya ang nagsisilbi nating sandalan. Palaging nariyan at laging maaasahan. Hindi matutumbasan ng kahit na anong yaman. Sa pamilya umikot ang istorya ng pelikulang Seven Sundays. Isa ito sa matatawag na obra maestra na likha ng Star Cinema mula sa direksiyon ni Cathy Garcia-Molina. Ang pelikulang ito ay tungkol sa magkakapatid na Bonifacio na muling nagsama-sama matapos nilang malaman
na may kanser ang kanilang ama at ito’y magtatagal na lamang ng dalawang buwan. Sa kanilang muling
pagkikita, naungkat ang mga katanungang hindi nabigyan ng tamang kasagutan. Mga problemang hindi nabigyan ng solusyon. At sa muling pagkakataon nagising ang diwa ng inggitan sa pagitan nina Aga Mulach bilang Allan at Dingdong Dantes bilang Bryan. Ang pag-ayaw nina Aga at Dindong sa asawa ni Cristine Reyes bilang
Cha. Ang pakiramdam ni Enrique Gil bilang Dex na siya’y nawalan ng saysay sa kanyang ama at mga kapatid ay ilan lamang sa mga eksenang nagpabuhos ng luha sa mga manonod. Mga eksenang nangyayari sa tunay na buhay. Mga eksenang patuloy na pinag-uusapan. Gaano man kabigat ang isang problema, masusulusyunan ito kung sama-sama at nagkakaisa ang isang pamilya.



Pagganap ng mga tauhan

Main Cast Edit


  • Aga Muhlach as Allan Bonifacio
  • Dingdong Dantes as Bryan "Bry" Bonifacio
  • Cristine Reyes as Charity "Cha" Bonifacio
  • Enrique Gil as Dexter "Dex" / "Baby D" Bonifacio
  • Ronaldo Valdez as Capt. Manuel Bonifacio.
Supporting Cast Edit
  • Donita Rose as Bechay Bonifacio
  • Kyle Echarri as Marc Bonifacio
  • Kean Cipriano as Jerry
  • Kakai Bautista as Baby
  • Ketchup Eusebio as Jun
  • Jeffrey Tam as Mr. Kim
  • April Matienzo as Camille
  • Kin Billote as Kath
  • Angelica Cruz as Leila
  • Angelee Cruz as Sofia
  • Gabriel Iribagon as Zac
  • Alyanna Angeles as Yna
  • Menggie Cobarriubias as Dr. Nelson
  • Cameo Appearances Edit
  • Iza Calzado as Juliana Smith
  • Edward Barber as Gian Smith
  • Ryan Bang as Mr. Kim

TEKNIKAL NA ASPETO

Directed by: Cathy Garcia-Molina

Starring
Aga Muhlach
Dingdong Dantes
Cristine Reyes
Enrique Gil

Music by: Jessie Lasaten

Cinematography: Noel Teehankee

Production company: ABS-CBN Film Productions, Inc.

Distributed by: Star Cinema

Release date: October 11, 2017

Box office: P271 million

EDITOR: MARYO IGNACIO; GENRE: FAMILY 

DRAMA DISTRIBUTOR: STAR CINEMA 

LOCATION: PHILIPPINES

RUNNING TIME: 128 MINUTES 

Technical assessment: 4 

Moral assessment: 4 

CINEMA rating: VA

Seven Sundays

Mga Komento

  1. Ano ang layon at gamit ng salita(tanyag ng mga linya o kataga na may kaugnayan sa tema o pinapahayag ng tauhan sa pangyayari)?

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento